Tuesday, October 19, 2010

"Hypermarket-dance"

                  
                Nakakatuwa ang taba-taba ko pa sa picture na yan last 3 months ago. Hindi ako nakasayaw ng elimination kasi may pasok po ako at finals na po ako nakasayaw. Ang saya dahil sa totoo lang hindi po pinalad ang aming crew na makapasok sa finals at nagulat na lamang kami ng tumawag yung organizer na nakapasok daw po kami sa finals dahil sa VOTES OF THE CROWD na kung tawagin. Ito ay mga boto ng mga customer sa mga crew na nais nilang makasayaw sa finals na hindi pinalad makuha, isusulat lamang nila sa likod ng kanilang resibo sa hypermarket grocery ang pangalan ng crew na kanilang napupusuan. Masaya kami dahil hindi man kami pinalad na manalo sa contest proper ay panalo kami para sa mga madlang people. Hindi rin kami pinalad manalo sa finals at masungkit ang 15,000 GC pero masaya na kami at nakasabay kami sa mga batikan na sa larangan ng pagsayaw na 10 yrs. ng mahigit ang kanilang grupo.


No comments:

Post a Comment